Burol ni Elias
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Lugar ng Binyag ay ang Burol ni Elias, ang lugar kung saan umakyat si Elias sa langit noong ika-9 na siglo BC. Sinasabi sa Bibliya na babalik si Elias bago ang pagdating ni Hesus, kaya nang simulan ni Juan Bautista ang pagbabautismo sa mga tao roon, nagdulot ito ng malaking ingay sa mga kalapit na nayon. Pumunta ang mga taganayon upang magtanong kung siya na ba ang kanilang mesiyas. Sumagot siya, “Ako ay isang tinig na sumisigaw sa ilang, inihahanda ang daan ng Panginoon.”
Sa kanlurang bahagi ng Burol ni Elias, mayroong isang guwang kung saan nanirahan si Juan, at kung saan kilalang binibisita siya ni Hesus. Ito ay itinuturing na isang napakabanal na lugar kaya naman isang simbahan ang itinayo sa paligid ng guwang noong panahon na itinayo ang monasteryo noong ika-5 siglo. Ito ang unang monasteryo sa silangan ng Ilog Jordan sa sinaunang ruta ng paglalakbay ng mga Kristiyano sa pagitan ng Jerusalem at Bethlehem sa kanluran at Bundok Nebo sa Silangan. Ang isa pang mahalagang punto ay noong panahon ng pamumunong Islamiko, ang mga monghe ay nanirahan sa monasteryo at malayang ginagawa ang kanilang pang-araw-araw na tungkulin, na nagpapakita ng uri ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa modernong Jordan. Sa hitsura, ang site ay katulad na katulad ng itsura nito noong panahon ni Hesus at Juan; inilalarawan sa Bibliya ang mga tambo na makikita sa buong taon hanggang ngayon. Ang maliliit at magaspang na bushes ay ang natural na tirahan ng mga bubuyog, na nagpapaalala sa atin sa kinakain noon ni Juan Bautista, ang ligaw na pulot (wild honey) at balang (locust).

